My Ayala Museum Trip
Ito ang pangalawang trip ko sa mga museum, hindi ako makapaniwalang ang ganda pala ng ayala museum. Sabagay ang buhay nga naman sa makati, napakaunlad ng syudad ng makati ngunit sa isang banda.
napaka daming sakayan na hindi ko alam kung saan papunta hehe. ang dami kong nasakyan na mali hehe. para akong taga probinsya na tanong ng tanong sa mga tao kung saan papuntang "Ayala Museum" ang iba ay naituro kung saan ang papunta ngunit ang iba naman ay niligaw lang ako hehe. first time ko talagang makapunta sa ayala dahil kung mag pupunta man ako, kasama ko ang aking mga magulang dahil may pinupuntahan sila na isinasama lang ako. Okay for the real topic na,
nung nandun nako sa musuem, tinanong ako ng gwardya kung saan daw ako pupunta, ang sabi ko naman "uhm. makikinig po ako sa lecture, hindi po ba meron daw po dito sabi ng professor ko." sabi naman ng gwardya: "meron nga kaso bibili po kayo ng ticket sir" kaya bumili ako ng ticket sa "information service" worth P125(student) sa 2nd floor. pag balik ko naman sa entrance ang sabi sa akin nung gwardya "nako sir! dalian ninyo patapos na yung lecture." kaya dali-dali akong pumunta dun sa pinag lelecturan. hehe nakatingin sa akin yung mga tao na nakatayo, ang akala siguro nila naliligaw ako. ang inabutan ko lang na lecture ay kakaonti lang dahil na late po ako. (4:20pm po nung natapos yung lecture) dahil galing po akong trabaho nung araw na yun sa SM Trinoma. Kaya nag ikot ikot nalang ako dun sa loob ng museum.
na visit ko naman po ang loob ng ayala museum, i've seen some figurines na nirerepresent ay ang mga uri ng tao noong panahon ni rizal or bago pa man ipanganak si rizal. May mga nakita din akong mga accessories noong unang panahon na historical na ngayon. paintings and other structures(like boats, banga and miniatures) ang pinaka astig na nakita ko sa loob.
pasensya na po ma`am kung ganito lang yung nagawa ko. wala po akong pictures dahil na lowbat na po yung cp ko. pasensya na po ma`am.